QUO WARRANTO PETITION | 2 abogado, tiwalang masisibak si CJ Sereno

Manila, Philippines – Kumpiyansa ang kampo ng mga abugado na nasa likod ng Quo Warranto Petition laban kay On leave Chief Justice Maria Lourdes Sereno na masisibak sa pwesto ang Punong Mahistrado ng Korte Suprema.

Ito ang ipinagmalaki nina Atty. Manuelito Luna at Atty. Eligio Mallari sa isang Pulong balitaan sa Maynila.

Naniniwala ang dalawang abogado na mas pipiliin ng Korte Suprema na panatilihin ang integridad nito kesa paboran si Sereno.


Dagdag pa nina Luna at Mallari sa bawat araw na nasa pwesto si Sereno ay sinisira lamang nito ang Institusyon na kanyang nirerepresenta.

Ipinunto din ng dalawa ang lakas ng ebidensya laban kay Sereno dahil malinaw anila na hindi balido ang ginawang pagtatalaga dito bilang Punong Mahistrado.

Dahil dito ay nanawagan si Luna na mag bitiw na lamang sa pwesto si Sereno para hindi na ito mas mahirapan pa.

Facebook Comments