Manila, Philippines – Isusumite ngayong araw ng house committee on justice
sa rules committee ang articles of impeachment laban kay Supreme Court
Chief Justice Maria Lourdes Sereno.
Ayon kay House Committee on Justice Chairman Reynaldo Umali, may 10 araw
ang rules committee para iakyat sa plenaryo ang articles of impeachment.
Pero dahil sa hanggang Miyerkules na lang ang sesyon ng kongreso, malamang
sa Mayo na ito matalakay sa plenaryo.
Sa interview ng rmn sa tagapagsalita ni Sereno na si Atty. Carlo Cruz,
gusto na ng punong mahistrado na matapos ang impeachment.
Handa rin aniya ang kanilang kampo kung sino ang bubuo ng prosekyusyon.
Hinihintay na lang ang desisyon sa inihaing “quo warranto petition” ng
solicitor general sa SC na siyang pinababasura ng kampo ni Sereno.
<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>