QUO WARRANTO PETITION | Kahihinatnan ng petisyon laban kay CJ Sereno, pinababantayan sa publiko

Manila, Philippines – Pinababantayan ng mabuti ng MAKABAYAN Bloc sa publiko ang mangyayari sa Quo Warranto Petition na inihain laban kay Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Naniniwala si Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate na ang utos ni Pangulong Duterte sa Kongreso na madaliin na ang pag-impeach kay Sereno ay smokescreen lamang sa tunay na plano ng administrasyon.

Aniya pa, bahagi din ito ng dictatorial agenda ng Pangulo laban kay Sereno kung saan ang totoong plano ay patalsikin ang Chief Justice sa pamamagitan ng pag-apruba sa Quo Warranto Petition na inihain ng Office of the Solicitor General.


Indikasyon na rin ng pagpapatalsik kay Sereno ang pagtanggap ng Korte Suprema sa inihain ng OSG kahit malinaw na ito ay labag sa Saligang Batas gayundin ang pagtanggi ng limang mahistrado na mag-inhibit sa pagtalakay sa petisyon kahit na may bias na sila laban kay Sereno.

Ayon naman kay Kabataan Partylist Rep. Sarah Elago, lumalabas ang tunay na kulay ni Pangulong Duterte matapos nitong direktang pagbantaan na patatalsikin si Sereno.

Facebook Comments