Manila, Philippines – Magsasagawa ng full court session ang Korte Suprema sa May 11 para sa desisyunan ang quo warranto petition na nagpapatalsik kay Chief Justice on-leave Maria Lourdes Sereno.
Bukod sa petisyon ay pagdedebatehan din ang impeachment complaints na dininig sa kamara.
Mayroong anim na articles of impeachment na binuo ang house justice committee laban kay Sereno kung saan kailangan ng one-third vote mula sa lahat ng miyembro ng kamara para mai-akyat ito sa senado na magsisilbing impeachment court na magbabalik sesyon sa May 15.
Nauna nang kinuwestyon ni Sereno ang tila pagmamadali ng kanyang mga kapwa mahistrado sa pagbuo ng ruling sa quo warranto petition.
Facebook Comments