Quo warranto petition laban kay Mayor Alice Guo, target ihain bago matapos ang buwan – OSG

 

Tiniyak ng Office of the Solicitor General na maisusumite ang quo warranto petition laban kay Bamban, Mayor Alice Guo bago matapos ang buwan ng Hulyo.

Ayon kay Solicitor General Menardo Guevarra, sa ngayon ay maingat pa rin kasi silang nangangalap ng ebidensiya kaugnay sa kaso.

Sa kabila nito, tiwala naman si Guevarra na sapat na ang mga ebidensiya para sa quo warranto petition.


Sabi pa ni Guevarra, malaking bagay sa kanilang ihahaing quo warranto petition ang kumpirmasyn ng National Bureau of Investigation (NBI) na nagtugma ang fingerprint ng kontrobersiyal na alkalde sa Chinese passport holder na si Guo Hua Ping.

Ngayong araw inihain ang petisyon para kanselahin ang birth certificate ni Guo, dahil sa hindi pagtutugma sa iba pa niyang public documents.

Facebook Comments