Manila, Philippines – Naniniwala si Senate President Koko Pimentel na natutuloy pa rin ang impeachment trial kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno kahit pa paboran ng Korte Suprema ang quo warranto petition na mauuwi sa pagkatanggal nito sa pwesto.
Ipinaliwanag ni Pimentel na sakaling katigan ng katas-taasang hukuman ang quo warranto petition ay maaring maghain ng motion for reconsideration si Chief Justice Sereno.
Ayon kay Pimentel, habang hinihintay ang aksyon ng korte sa naturang motion for reconsideration, ay magpapatuloy pa rin ang kongreso sa impeachment proceedings nito laban kay Sereno.
Inaasahan din ni Pimentel na kahit paboran ng Supreme Court ang nasabing quo warranto petition ay ia-akyat pa rin ng kamara sa senado ang articles of impeachment laban sa Punong Mahistrado.