Manila, Philippines – Pinasasagot ng Supreme Court ang Office of the
Solicitor General sa komento ni Chief Justice on-leave Maria Lourdes Sereno
sa Quo Warranto Petition ng OSG.
Limang araw mula sa pagkatanggap ng notice ang binigay ng Korte Suprema sa
OSG para sa pagsusumite ng kanilang sagot.
Kahapon, Nagsumite na ng komento sa Korte Suprema si Sereno sa Quo
Warranto Petition na inihain ng Office of the Solicitor General.
Sa sagot na inihain ng mga abogado at staff ni Sereno, hiniling nito na
maibasura ang naturang petition na kumukwestyon sa bisa ng kanyang
pagkakatalaga bilang Punong Mahistrado.
Ipinunto ng kampo ni Sereno na lack of jurisdiction at lack of merit ang
quo warranto petition na inihain ni Solicitor General Jose Calida.
Una nang hiniling ni Calida na ideklarang null and void o walang bisa ang
pagkakatalaga kay Sereno bilang Chief Justice dahil hindi ito nagsumite ng
kanyang kumpletong Statement of Assests Liabilities and Networth o SALN.