QUO WARRANTO PETITION | Pagbabalik ng session ng Supreme Court Justices, sinabayan ng kilos protesta ng Sereno supporters

Manila, Philippines – Kasabay ng pagbabalik ng en banc session ng Korte Suprema, nagsagawa ng programa sa harap ng Supreme Court ang mga taga-suporta ni dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Isinigaw ng Sereno supporters na hindi makatarungan ang quo warranto petition na naging daan ng pagkakaalis sa pwesto ni Sereno.

Anila, malinaw na panggigipit ng gobyerno ang nangyari kay Sereno.


Ang naturang kilos protesta ay nagdulot ng pagsasara sa trapiko ng kahabaan ng Padre Faura Street sa Ermita, Manila.

Facebook Comments