Manila, Philippines – Pinagpapaliwanag ng Supreme Court en banc si on-leave Chief Justice Maria Lourdes Sereno.
Kaugnay ito ng inahain kahapon ni Solicitor General Jose Calida na Quo Warranto petition laban kay Sereno.
Sampung araw ang binigay ng en banc kay Sereno para magsumite ng sagot sa petition.
Kabilang sa mga mabigat na grounds nila sa petisyon ang resulta ng psychiatric test kay Sereno.
Gayundin aniya ang kabiguan nitong magsumite ng Statement of Assets, Liabilities and Net Worth sa JBC o Judicial and Bar Council.
Ang naturang grounds ay ilan lamang sa ginamit na ebidensya ni Atty. Larry Gadon sa impeachment case na inihain nito laban kay Sereno sa House Justice Committee.
Facebook Comments