QUO WARRANTO PETITION VS CJ SERENO | Senators Trillanes at De Lima, humiling sa SC na maging intervenor

Manila, Philippines – Humirit sa Korte Suprema sina Senador Antonio Trillanes at Leila de Lima na payagan silang maging intervenor sa quo warranto petition laban kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Sa kanilang mosyon, hiniling din nina De Lima at Trillanes sa Kataas-Taasang Hukuman na ibasura ang nasabing petisyon.

Kahapon, ibinasura ng Korte Suprema ang mga kahilingan ng MAKABAYAN bloc at ng grupo ni dating PAG-IBIG Fund Chief Executive Officer Mel Alonzo na maging intervenor sa quo warranto petition laban kay Chief Justice on-leave Maria Lourdes Sereno.


Ang mosyon naman ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) na humihiling na maging intervenor o maging bahagi sa quo warranto petition ay idineklara lamang na “noted” ng Korte Suprema.

Ang hirit nina Trillanes at De Lima ay ginawa ilang araw bago naman isalang sa oral arguments ang quo warranto petition laban kay Sereno.

Facebook Comments