Quota system ni PNP Chief Torre, iba kumpara sa nakalipas na administrasyon

Nilinaw ni Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Nicolas Torre III na ibang-iba ang kanyang ipinapatupad na paramihan ng huli kumpara sa quota system sa ilalim ng nakalipas na administrasyon.

Ayon kay Torre, ang tinutukoy niyang “quota” ay tumutukoy sa dami ng mga arestadong kriminal at hindi sa bilang ng mga napapatay.

Taliwas ito sa mga espekulasyon at pangambang lumitaw matapos ihalintulad ito sa mga ulat ng QuadComm investigation ng Kamara.

Aniya, walang dapat ikabahala ang publiko, lalo na ang Commission on Human Rights, dahil mahigpit nilang sinusunod ang legal na pamantayan, due process, at mga alituntunin ng Saligang Batas, Revised Rules of Criminal Procedure, at PNP Operational Procedure.

Giit pa ni Torre, nakatuon ang kanilang kampanya sa makatao, makatarungan, at makapangyarihang pagpapatupad ng batas.

Facebook Comments