Isang panibagong Coronavirus strain na tinatawag na R.1 variant ang kasalukuyang kumakalat sa tatlong state ng Estados Unidos.
Ayon sa US Center for Disease Control, una itong nadiskubre sa Japan mula sa isang pamilyang walang travel history sa labas ng kanilang bansa.
Sa ngayon, nasa higit 10,000 indibidwal sa buong mundo na ang tinamaan ng nasabing variant.
Nabatid na ilan rin sa nagpositibo ay pawang fully vaccinated kaya’t nababahala ang ahensya sa posibleng pagbaba ng protective immunity ng COVID-19 vaccines sa R.1 variant.
Bagama’t hindi pa itinuring ng CDC na variant of concern o interest ang R.1 variant, sinasabi ng ilang ebidensya na posibleng mas nakakahawa ito kumpara sa ilang COVID-19 variant.
Facebook Comments