“R-Naught” o reproductive number ng COVID-19 sa buong bansa umakyat na sa 1.25 – OCTA Research Team

Umakyat na sa 1.25 ang “R-Naught” o reproductive number ng COVID-19 sa buong bansa.

Ito ang kinumpirma ng OCTA Research Team kung saan pumalo naman sa 1.5 ang “R-Naught” para sa Metro Manila.

Ayon kay OCTA Research Group Fellow Dr. Guido David, may ilang lugar sa bansa na marami ang mga bagong naiitalang kaso kung kaya’t ito ang nagtutulak para tumaas ang tinatawag na “R-Naught”.


Hindi na rin aniya Metro Manila ang nangunguna sa mga pinakamaraming naiitalang bagong kaso ng COVID-19 kada araw.

Dagdag pa ni David, kung dati ay halos 60 percent ng total cases sa bansa ang nagmumula sa Metro Manila ay bumaba na ito sa 20 percent.

Samantala, ayon pa sa OCTA Research inaasahang papalo sa higit 530,000 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa bansa sa pagtatapos ng buwan ng Enero.

Facebook Comments