R1AA 2023, PORMAL NG BINUKSAN!

Pormal nang binuksan ang malakihang sports event ng Kagawaran ng Edukasyon na Region 1 Athletics Association Meet 2023 kahapon lamang, May 14, 2023 sa San Carlos City, lalawigan ng Pangasinan.
Nasa halos anim na libong mga atleta na mula sa labing-apat ng mga Schools Division Office sa buong Region 1 ang nagpakita ng galing una pa lang sa pagbigkas ng kani kanilang chant or yell.
Sa naganap na press conference, binanggit ni San Carlos Schools Division Superintendent na naitalang ang mula alas dyes ng umaga hanggang alas kwatro ng hapon na window hours kung saan hindi maglalaro ang mga atleta sa ganitong oras bunsod ng init ng panahon.

Siniguro rin nito na full force o nakaantabay ang lahat ng mga katuwang na ahensya padating sa pagtitiyak ng kaligtasan ng lahat habang nagpapatuloy ang nasabing sports event.
Samantala, sa pagbubukas nito ay nauna nang naganap sa unang araw ang parade, at ang search for Mr. and Ma. R1AA Meet 2023.
Magpapatuloy pa ang sports event hanggang sa araw ng Biyernes, May 19. |ifmnews
Facebook Comments