Dumating na kahapon Abril 05, 2026 sa Candon City, Ilocos Sur ang grupo ng kinatawan mula sa iba’t-ibang bayan sa rehiyon para sa taunang Region 1 Athletic Association (R1AA) meet.
Lalahok ang mga atleta sa iba’t ibang palaro kabilang ang track and field, basketball, at volleyball laban sa mga representatibo mula sa iba’t ibang lungsod at lalawigan sa Ilocos Region.
Kasabay ng paghahanda ng mga atleta, pinangunahan naman ng Alkalde ng lungsod ng Candon na si Eric D. Singson ang send-off ng mga security at public safety personnel sa Candon City Arena, kasama ang iba pang opisyal mula sa PNP, BFP, at partner agencies para sa maayos at ligtas na koordinasyon ng paligsahan.
Ngayong araw sa ganap na alas-5:00 ng hapon, gaganapin ang Grand Opening Program ng R1AA 2026 sa Candon City Arena.
Mayroong official seating at exit guide para sa mga atleta, coach, at opisyal, at bawat SDO na may itinalagang 350 participants o higit 16,000 na atleta.
Hinihikayat ang publiko at taga suporta na subaybayan ang mga laban at ipakita ang suporta sa kanilang lokal na atleta sa kabila ng inaasahang malaking daloy ng mga kalahok at manonood sa lungsod. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
