Nagsagawa ng inspeksyon si ilocos Sur Provincial Director PCol. Agosto M. Asuncion, sa Candon City Arena kahapon, ika-6 ng Abril, bilang bahagi ng paghahanda sa nalalapit na R1AA Meet 2026.
Layunin ng naturang pagbisita na suriin ang kabuuang seguridad ng venue, kabilang ang ebalwasyon sa deployment ng mga tauhan at pagtitiyak na maayos na naipatutupad ang mga safety measures para sa buong panahon ng naturang sporting event.
Sa isinagawang inspeksyon, tiningnan din ang mga pasilidad sa loob ng arena, pati na ang mga entry at exit points, upang matiyak ang maayos na daloy ng mga delegado, opisyal, at manonood na inaasahang dadalo sa aktibidad.
Binantayan din ang kasalukuyang mga aktibidad sa loob ng venue bilang bahagi ng pagpapatunay na handa ang lugar sa pagdaraos ng malakihang pagtitipon.
Ayon sa philippine national police provincial office, ang hakbang na ito ay bahagi ng kanilang paghahanda upang mapanatili ang kaayusan at kaligtasan sa buong tagal ng R1AA Meet 2026.
Inaasahan na magpapatuloy ang mga kahalintulad na inspeksyon at koordinasyon sa mga susunod na araw upang masiguro ang maayos at ligtas na pagsasagawa ng nasabing kaganapan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










