R1AA VOLLEYBALL SECONDARY BOYS, TUTUTUKAN ANG PAGSASANAY KASUNOD NG NASUNGKIT NA BRONZE MEDAL SA PALARONG PAMBANSA 2025

Nag-uwi ng bronze medal ang Region I Athletic Association (R1AA) Secondary Boys Volleyball team sa katatapos lamang na Palarong Pambansa 2025 na ginanap sa Bacarra, Ilocos Norte.

Ayon kay Raine Christian Mhel P. Mariano, team captain ng R1AA, naging susi sa tagumpay ang tiwala sa sarili, disiplina sa ensayo, at suporta ng coach.

Huling Palaro na umano ni Mariano ngayong taon, kaya’t ibinuhos na raw niya ang lahat upang makamit ang medalya.

Ipinahayag naman ng coaching staff ng R1AA na mas paiigtingin pa ang training bilang paghahanda sa Palarong Pambansa 2026, lalo na para sa mga bagong miyembro ng koponan.

Ang tagumpay ng R1AA Volleyball Boys ay nagsisilbing inspirasyon sa mga atleta ng rehiyon at inaasahang maghihikayat sa mas maraming kabataan na sumabak sa sports na volleyball. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments