R1MC, HINDI NA TATANGGAP NG NON-COVID-19 PATIENT SAKALING LUMALA ANG NARARANASANG PANDEMYA

NAGBABALA ang pamunuan ang Region 1 Medical Center dito sa lungsod ng Dagupan na maaaring hindi na ito tumanggap ng non- COVID-19 patients sakaling lumala pa ang nararanasang pandemya dahil sa COVID-19.

Ayon kay Dr. Joseph Roland Mejia, Center Chief II ng hospital, mayroong 120 bed capacity ang hospital na sa ngayon ay 113na dito ang ginagamit ng mga pasyente.

Nasa 52 limang empleyado din ng hospital ang nahawaan ng sakit na ikinababahala ngayon ng opisyal kung kaya’t hindi na muna sila magpapadala ng kanilang empleyado sa karatig probinsiya na mayroong pagtaas ng nakakahawang sakit.


Sa ngayon, pinakamadaling ng pamunuan ng hospital ang pagpapatayo ng karagdagang isolation facility upang matugunan ang kakulangan ng bed capacity.

Facebook Comments