R1MC, PINABULAANAN ANG KUMAKALAT NA UMANO’Y KUMPIRMADONG KASO NG MPOX SA OSPITAL

Pinabulaanan ng tanggapan ng Region 1 Medical Center ang kumakalat sa social media na impormasyon ukol sa diumano’y kumpirmadong kaso ng Mpox o Monkey Pox sa ospital.
Ayon sa DOH at Region 1 Medical Center, wala pang kumpirmadong kaso ng Mpox sa kanilang pasilidad. Lahat ng pasyente ay sinusunod ang mahigpit na health protocols.
Hinihikayat ang publiko na maging mapanuri at mag-verify ng balita mula sa opisyal na mga source tulad ng DOH at Region 1 Medical Center upang maiwasan ang takot at stigma dulot ng maling impormasyon.
Nanawagan ang mga awtoridad na magtulungan upang masiguro ang tamang impormasyon at maiwasan ang pagkalat ng pekeng balita. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments