Rabies Education, planong isama ng DepEd sa K-12 Curriculum  

Plano ng Department of Education (DepEd) na isama sa K-12 Curriculum ang Edukasyon tungkol sa Rabies.

Ito’y kasabay ng paggunita ng World Rabies Day.

Layunin nitong mapalawak ang kaalaman ng mga bata sa pag-aalaga sa mga hayop.


Ayon kay Education Usec. Tonisito Umali, mapapagtibay nito ang Republic Act 9482 o Anti-Rabies Act.

Sinabi naman ni National Rabies Prevention and Control Program Manager, Dr. Ronald Quintana, iwasan gawin ang alternatibong paraan na kadalasang ginagawa ng mga Pilipino tuwing nakakagat o nakakalmot ng hayop.

Halimbawa na rito ang pagpapahid ng bawang sa sugat.

Sa datos ng Dept. Of Health (DOH), aabot sa 250 ang namamatay taon-taon dahil sa Rabies.

Nitong 2018, nasa 1.2 Million ang bilang ng mga taong nakagat ng hayop.

Ang Rabies ay isang viral disease na nasasalin sa tao sa pamamagitan ng kagat o kalmot na may rabies virus.

Facebook Comments