
Mas pinalakas ang adbokasiya laban sa rabies sa San Carlos City, Pangasinan sa isinagawang serye ng mga aktibidad kaugnay ng Rabies Awareness Month nitong ika-24 ng Marso. Tampok sa programa ang pagbibigay ng libreng serbisyong beterinaryo upang mapangalagaan ang kalusugan ng mga alagang aso at pusa at maiwasan ang pagkalat ng sakit sa komunidad.
Isinagawa ang libreng anti-rabies vaccination, deworming, at kapon (castration at spaying), kasabay ng pagpapalaganap ng impormasyon hinggil sa responsableng pag-aalaga ng hayop. Mahigit sa 200 residente ang nakinabang sa nasabing aktibidad, na nagpakita ng aktibong pakikiisa ng komunidad sa kampanya.
Layunin ng inisyatibong ito na palawakin ang kaalaman ng publiko tungkol sa rabies prevention at hikayatin ang bawat pet owner na tiyaking nababakunahan ang kanilang mga alaga. Itinuturing ang regular na pagbabakuna bilang isa sa pinakamabisang paraan upang mapanatiling ligtas ang bawat tahanan laban sa rabies.
Sa patuloy na pagsasagawa ng ganitong mga programa, inaasahang higit pang mapapalakas ang kooperasyon ng mamamayan tungo sa pagkamit ng isang ligtas at rabies-free na San Carlos City. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










