Hindi pinalampas ni Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo ang umano’y pambu-bully sa kanya ng Indonesian netizens.
Ito ay matapos kumalat ang edited video mula sa interview ni Rabiya kung saan uma-akting ito bilang isang kontrabida.
Naging tampulan din ng hindi magagandang komento ang edited video, kung saan sinabihan pa ang beauty queen na lumalabas ang hindi niya magandang ugali.
Say ni Rabiya, kailangan nang matapos ang mga ginagawang pambu-bully sa kanya dahil wala naman siyang ginawa para insultuhin ang ibang kandidata.
Tinawag din ni Rabiya na ‘unkind’ at ‘pure evil’ ang pamba-bash hindi lamang sa kanya kundi sa iba pang kandidata.
Facebook Comments