Rabiya Mateo, inirampa ang kaniyang swimsuit sa Miss Universe preliminary

821

Inirampa ni Rabiya Mateo ang kaniyang “Halabira” walk suot ang kaniyang swimsuit at long gown sa 2020 Miss Universe preliminary competition sa Hollywood, Florida.

Ipinakita ng Ilongga beauty queen ang kaniyang toned body suot ng yellow two-piece swimsuit kasama ng beach cover up sa swimsuit round.


One-sided neckline yellow tulle gown naman na may Citrine Swarovski crystals na likha ng Dubai designer na si Fune Amato ang sinuot ni Rabiya sa preliminary evening gown performance.

Say ni Amato, sumisimbolo ang kulay nito ng positivity at optimism na sinag ng araw ng Pilipinas.

Pasok naman sa top trending topics ang hashtags #PrelimPina5 at #AribaRabiya sa Twitter matapos ang kaniyang swimswuit at preliminary gown performances.

Gaganapin ang 69th Miss Universe Grand Coronation Night sa Lunes, May 17.



Facebook Comments