Rabiya Mateo, nagtungo na ng US para sa Miss Universe 2020

99

Umalis na sa Pilipinas at nagtungo sa Estados Unidos si Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo bilang paghahanda sa prestihiyosong pageant na gaganapin sa Miami, Florida.

Suot ni Mateo ang isang stylized “Barong Tagalog” bilang paggunita sa Araw ng Kagitingan habang winawagayway niya ang maliit na bandila ng Pilipinas bago sumakay ng eroplano.


Ayon kay Mateo, sasailalim siya at kanyang team sa 14-day quarantine sa Los Angeles, California.

Pagkatapos ng pre-pageant activities, gaganapin ang coronation night sa Mayo

Si Mateo ay pambato ng Pilipinas para sa layuning maiuwi ang ikalimang Miss Universe crown.

Facebook Comments