“Race to zero” campaign vs COVID-19, umarangkada na sa QC

47

Nagsimula na ang “race to zero” campaign laban sa COVID-19 ng Quezon City Local Government Unit (LGU).

Sa ilalim nito, hinihikayat ang mga barangay officials na palawakin pa ang kanilang paghahanap sa mga suspected at probable COVID-19 cases sa kanilang nasasakupan, gayundin ang mga residente sa lungsod na tumulong sa kampanya upang mapababa ang bilang ng mga nagpositibo sa sakit.

Ang bawat barangay na may pinakamagandang resulta sa kampanya ay tatanggap ng cash incentives.

Facebook Comments