Rachel Peters, kinoronahan bilang Binibining Pilipinas-Universe 2017

Manila, Philippines – Kinoronahan bilang Binibining Pilipinas-Universe 2017 ang pambato ng Camarines Sur na si Rachel Peters.

Ang 25-year old Filipina-British beauty queen ang magiging pambato ng Pilipinas sa 2017 Miss Universe pageant.

Ang 5’9″ tall beauty ay lumaki sa Phuket,Thailand kung saan nakatira ang kaniyang pamilya ngayon.


Graduate rin ito ng Bachelor of Business Major in Tourism and Events sa La Trobe University sa Australia.

Sa question and answer portion tinanong si Peters kung ano ang magiging mensahe niya sa mga ASEAN leaders kung isa siya sa mga naimbitahang maging speaker sa pagtitipon.
Hindi ito ang unang sabak ni Peters sa national pageant dahil itinanghal na itong 4th princess sa MissWorld Philippines noong 2014.

Si Peters ay ang kasintahan ni Camarines Sur Governor Migz Villafuerte.

Samantala ang dating top contender na si Maria Angelica De Leon ay kinoronahan namang 2017 Binibining Pilipinas-International.

Tinanghal naman na Binibining Pilipinas-Supranational crown si Chanel Olive Thomas; Binibining Pilipinas-Grand International si Elizabeth Clenci; Binibining Pilipinas-Intercontinental si Katarina Rodriguez habang Binibining Pilipinas-Globe naman si Nelda Ibe.

First runner-up si Chairmaine Elima habang second runner-up naman si Kristel Guelos.

Facebook Comments