Showbiz – Agad na humingi ng paumanhin si Rachel Peters sa mga Pinoy matapos itong mabigong makuha ang korona sa Miss Universe pageant na ginanap sa Las Vegas kahapon.
Ayon kay Rachel, ginawa daw niya ang lahat ng kaniyang makakaya ngunit sadyang hindi siya pinalad bagama’t nakapasok sa top 16 at top 10 pero nabigo naman mapabilang pa sa top 5 ng pageant.
Gayunman, masaya aniya siya at taos-pusong nagpapasalamat sa lahat ng nagbigay ng suporta sa kanya kung saan hindi rin daw niya makakalimutan ang masasayang alaala bilang kalahok ng Miss Universe pageant.
Facebook Comments