Rachel Peters – pressured sa pagsabak sa Miss Universe Pageant ngayong buwan

Manila, Philippines – Aminado si Binibining Pilipinas Rachel Peters na pressured siya sa pagsabak sa Miss Universe pageant ngayong buwan.

Kasunod na rin ito ng back-to-back win nina Karen Ibasco bilang Miss Earth 2017 at Winwyn Marquez bilang kauna-unahang Pinay at Asian na kinoronahang Reina Hispanomericana.

Pero kahit pressured, positibo si Peters na maiiuwi niya ang korona.


Iniisip na lang din daw niya na normal ang pressure na nararamdaman niya lalo’t mainit pa rin ang panalo ni 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach.

Facebook Comments