Rachel Peters, umaasa magiging maganda pa rin ang kaniyang status matapos ang performance nito sa preliminary competition sa Miss Universe 2017

Showbiz – Looking forward pa rin ang pambato ng pilipinas na si Rachel Peters na magiging maganda pa din ang kaniyang status matapos ang preliminary competition ng Miss Universe 2017 na ginanap sa Las Vegas.
Nag-enjoy at masaya daw si Rachel sa kanyang naging performance kabilang dito ang pagrampa sa swimsuit at evening gown.
Nagpapasalamat din siya sa mainit na suporta ng mga kababayang pinoy gayundin sa mga nagdarasal para sa kanya at sa pagboto sa online poll.
Magsisilbing batayan ang ginanap na preliminaries upang makapili na ang mga hurado ng top contestants/finalists na iaanunsyo sa mismong coronation sa November 26 sa Las Vegas o araw ng Lunes November 27 sa Pilipinas.
Inaabangan na din ang pagiging judge ng dating Pinay Miss Universe na si Pia Wurtzbach.

Facebook Comments