Rachelle Ann Go, magbabalik ulit sa Les Miserables!

Balik Les Miserables ulit ang singer at international musical theater actress na si Rachelle Ann Go na ipapalabas sa August 31 hanggang September 5.

Ito ang masayang ibinahagi ng singer sa kaniyang Instagram kung saan gagampanan niya dito ang karakter na si Fantine.

Unang nakuha ni Go ang nasabing role noong 2015 at naging bahagi rin siya ng huling production ng “Les Miserables” bago ito itigil noong 2020 dahil sa COVID-19 pandemic.


Bukod sa Les Miserables, gumanap din si Go sa ilang West End Productions tulad ng Miss Saigon at Hamilton.

Facebook Comments