Radical change sa peace security and order sa bansa ilalatag ng Pangulo sa PNP at AFP ngayong araw

Manila, Philippines – Inihayag ng Palasyo ng Malacañan na ilalatag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga opisyal ng Philippine National Police (PNP) at ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang kanyang sinasabing radikal na pagbabago sa peace, order and security sa bansa.

Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, mamaya sa gaganaping Joint Command Conference ng PNP at AFP sa Malacañang na dadaluhan ng top brass ng militar at pulis ay ilalatag sa mga ito ng Pangulo ang kanyang pinaplanong malaking pagbabago.

Ito ay sa harap narin ng mga nanagyayaring krimen kung saan kahit umaga at tanghaling tapat ay umaatake ang mga holdaper at iba pang kriminal.


Isa lamang sa naitalang insidente sa katanghalian ay ang pananaksak at pagpatay kay Ombudsman Assistant Prosecutor Madonna Joy Tanyag kung saan pagnanakaw ang sinasabing motibo ng nahuling suspect.
Pagkatapos naman ng command conference mamaya ay personal na makikiramay si Pangulong Duterte sa naiwang pamilya ni dating national security adviser secretary Roilo Golez.

Facebook Comments