Radio announcer huli sa pangongotong ng mga may ari ng peryahan sa Oriental Mindoro

Hindi na nakapalag pa ang isang radio announcer matapos na mahuli sa aktong nangongotong sa mga may ari ng peryahan sa Calapan Oriental Mindoro.

 

Kinilala ang inarestong radio announcer na si Edison Mancera 45 anyos, empleyado ng 102.9 FM RADIO NATIN sa Oriental Mindoro.

 

Ayon kay PNP CIDG Spokesperson Police Lt Col Grace Madayag ala-1:42 ng hapon kanina nang ikasa ng mga tauhan ng PNP CIDG at Calapan City Police Station ang entrapment operation sa Brgy. Lalud, Calapan City, Oriental Mindoro.


 

Huli ito sa aktong nangongotong sa mga may ari ng peryahan sa Oriental Mindoro at nagpapakilalang miyembro ng PNP Press Corps.

 

Narekober kay Mancera ang limang piraso ng 1000 peso bill marked money, limang pirasong 1000 peso bill boodle money at dalawang cellular phone.

 

Sa ngayon nasa kustodiya ng PNP CIDG ang naarestong radio announcer at nahaharap sa kasong robbery extortion.

Facebook Comments