Nagkasa ng entrapment operation ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Regional Field Unit 7 kung saan nadakip ang dalawang indibidwal na sangkot sa robbery-extortion.
Kinilala ang mga naaresto na sina alias Roger isang radio commentator ng DYRB Online Radio at kasabwat na si alias Joselito.
Nag-ugat ang pagkaka-aresto sa dalawa base sa reklamo ni Talisay City, Cebu Mayor Gerald Anthony Gullas Jr. kung saan nag-demand umano si alias Roger ng ₱4 million kapalit ng pagwi-withdraw ng kaniyang kandidatura.
Dito na nagpasaklolo ang biktima sa CIDG kung saan kahapon ay nasukol ang dalawang suspek sa isang mall sa Barangay Lawaan 2, Cebu City habang hawak nila ang mga boodle money.
Sa ngayon, hawak na ng mga otoridad ang mga suspek at nahaharap sa patong-patong na kaso.