Radio commentator, patay matapos pagbabarilin sa Sultan Kudarat

1129

Patay ang isang radio commentator matapos pagbabarilin sa Sultan Kudarat.

Ang biktima ay kinilala na si Jaynard Angeles, dating Station Manager ng Radyo ni Juan sa Tacurong City at kandidato rin sa pagkakonsehal sa bayan ng Lambayong.

Ayon sa mga saksi, pinagbabaril ang biktima malapit sa isang carwash station.


Nabatid na tatlong putok ng baril ang narinig mula sa hindi pa nakikilang suspek.

Sa ngayon ay nagpapatuloy pa imbestigasyon at hinihintay ang pahayag ng pulisya.

Matatandaang noong 2019 ay patay rin sa pamamaril ang station manager ng Radyo ni Juan na si Benjie Caballero.



Facebook Comments