Radio Mindanao Network, number 1 na sa buong Mindanao!

Pormal na kinilala ang RMN Networks bilang official #1 radio network sa buong Mindanao, matapos itong makakuha ng overall market share na 20% — di hamak na mas mataas kumpara sa mga kalabang istasyon tulad ng Brigada na may 16% at MBC na 15% lamang.

Nakakuha rin ang RMN networks ng 38% market share laban sa Bombo Radyo na mayroon lamang 27% at RGMA na 12%.

Di hamak na mas mataas din ang nakuhang market share ng DXCC RMN Cagayan de Oro na aabot sa 27% kumpara sa Bombo Radyo at ABS-CBN na parehong nakakuha ng 17% lang.


Palong-palo rin ang nakuhang market share ng DXMD RMN Gensan na aabot sa 34%, kumpara sa Brigada na mayroon lamang 18% habang parehong 11% lamang ang nakuha ng Bombo Radyo at MBC.

Ayon sa RMN Management, isa na namang greatest achievement ang naitala.

At kasabay nito ay nagpaabot ng pasasalamat ang buong management ng rmn sa masusugid nitong mga taga-pakinig.

Facebook Comments