Patuloy ang pamamayagpag ng Radio Mindanao Networks (RMN) bilang nangungunang istasyon ng radyo sa bansa.
Sa resulta ng latest radio survey ng Kantar firm ngayong 3rd quarter ng 2019, dinomina ng DYHP-RMN Cebu ang lahat ng radio station sa Cebu City.
Number one AM radio station at overall number one radio station sa Cebu City ang DYHP-RMN-Cebu na makakuha ng 52.45% market share sa AM station at 25.8% market share sa all radio networks.
Halos kalahati ang inilamang ng DYHP-RMN Cebu kumpara sa mga kalabang istasyon ng radyo sa Cebu City.
Sa message ni DYHP-RMN Cebu station manager radyoman Atty. Ruphil Bañoc, lubos ang pasasalamat niya sa panginoon, sa management ng RMN at sa mga tagapakinig sa walang sawang pagsuporta sa kanilang mga programa.
Maging ang DXDC-RMN Davao ay namayagpag din matapos maging number one AM radio station sa Davao City.
Nakakuha ang DXDC-RMN Davao ng 46.48 percent na market share sa AM radio station.
Pinasalamat din ni DXDC-RMN Davao station manager radyoman Leo Daugdaug ang buong Dabawenyo sa patuloy na pagsuporta sa kanila at sa mga radyoman ng Davao.
Hindi rin nagpahuli ang DZXL-RMN Manila na pasok sa top 5 sa AM station ranking sa Metro Manila.
Muling congrats mga ka-Radyoman!