Magtatayo ng radio station sa Pag-asa Island na sakop ng munisipyo ng Kalayaan sa Palawan.
Ito ang inanunsyo ni Defense Secretary Delfin Lorenzana sa pagtungo nito ngayong araw sa Pag-asa Island para pangunahan ang inagurasyon ng bagong gawang beaching ramp sa isla.
Ayon kay Lorenzana, layunin ng paglalagay ng radio station sa isla na mabigyan ng impormasyon ang mga mangingisda tungkol sa ulat panahon maging ngmga impormasyon tungkol sa kalikasan na makakatulong sa buong komunidad.
Maaari rin aniyang talakayin sa itatayong radio station ang pagtuturo sa mga mangingisda sa isla na gumawa ng mga matitibay na bangka upang hindi mapahamak kapag hina-harass ng mga Chinese vessels.
Ang Pag-asa Island ay isa sa mga Isla sa West Philippine Sea na inaangkin ng China at Vietnam.