Radioactivity sa West Philippine Sea, ikinakabahala ni Senator Hontiveros

Nagpahayag ng pagkabahala si Senator Risa Hontiveros sa mataas na lebel ng radioactive materials na natuklasan ng Philippine Nuclear Research Institute (PNRI) sa West Philippine Sea (WPS).

Giit ni Hontiveros sa PNRI, imbestigahan ang pinagmumulan ng radioactive material further dahil posibleng galing ito sa nuclear-powered warships na nagpapatrulya sa lugar.

Binanggit ni Hontiveros na alam naman ng lahat na ang China at Amerika ay nagpapatrol sa WPS.


Punto ni Hontiveros, ang tensyon sa pagitan ng US at China ay isang malaking banta sa seguridad at kapayapaan sa Pilipinas at sa iba pang bansa sa ASEAN region.

Giit ni Hontiverors, hindi puwedeng maging pugad ng nuclear weapons o nuclear-powered vessels ang ating mga karagatan at teritoryo dahil maghahatid lang ito ng malaking panganib.

Facebook Comments