Radyo mo sa Nutrisyon ng DZXL RMN Manila, kinilala sa Gandingan Awards 2019 ng UP Los Baños

Sa pangatlong pagkakataon – naiuwi ng programang Radyo mo sa Nutrisyon ng DZXL 558 RMN-Manila ang pagkilala bilang ‘Most Development-Oriented AM Program.’

Ito ay sa katatapos lamang na Gandingan 2019: The 13th UPLB Isko’t Iska’s Multi-Media Awards, “Midya at Bayan: Malaya, Mulat, Matapang” na isinagawa sa DL Umali Hall, UP Los Baños.

Ang Radyo mo sa Nutrisyon nina Rod Marcelino at dating National Nutrition Council Executive Director IV Assistant Secretary Bernie Flores ay mag-iisang dekada nang umeere sa DZXL 558.


Napapakinggan ito tuwing Sabado mula alas-12:30 hanggang ala-una ng hapon.

Maliban dito, naging finalist din si Radyoman Rod Marcelino sa kategoryang best AM host.

Muli, maraming salamat sa bumubuo ng Gandingan at sa mga iskolar ng bayan sa UP Los Baños.

Facebook Comments