Radyo Trabaho, binisita ang Barangay 133 at 135 ng Caloocan City

Matagumpay na nagtapos ang ginawang recorida ng RMN DZXL Radyo Trabaho sa dalawang Barangay ng Caloocan City ngayong araw.

Unang binisita ng Radyo Trabaho Team ang Branagay 133 na pinamumunuan ni Kapitan Juan Ebacuada Jr.

Aniya, nasa mahigit 4,000 ang populasyon ng kanyang barangay at nasa 40% nito ang walang trabaho.


Sumunod na pinuntahan ay ang Barangay 135, na mayroong pinakamaliit populasyon na kung saan nasa 906 lang ang bilang ng mga tao dito na pinamumunuan ni Kapitan Luzviminda Ramat.

Aniya, nasa 30% ang walang trabaho sa kanyang lugar.

Ang pangunahing pangkabuhayan ng parehong barangay ay pagawa ng basahan kung saan ay mga nanay na walang trabaho ang nakikinabang nito.

Umaasa naman sina Kapitan Ebacuada at Kapitan Ramat na sa pamamagitan ng Radyo Trabaho mabibigayan ng pagkakakitaan ang kanilang mga residente na walang trabaho.

Namigay din ng mga stickers at flyers ang Radyo Trabaho team sa mga bahay at mga tricycle drivers sa nasabing barangay.

Facebook Comments