Radyo Trabaho ng DZXL RMN Manila, dinumog ng mga aplikante sa ika-2 araw ng Kabisig PH Gov’t Expo and Trade fair

Dinagsa ng mga aplikante ang Radyo Trabaho booth ng DZXL 558 RMN Manila sa ikalawang araw ng Kabisig Philippine Government Expo and Trade Fair sa Trinoma Activity Center.

Ayon kay Glen Del Rosario, Radyo Trabaho Coordinator – malaki ang naging papel at tulong ng Kabisig Expo and Trade Fair dahil nagkaroon ng pagkakataon ang DZXL na maipakilala at personal na mailapit ang programa sa mga tagapakinig lalo na sa mga naghahanap ng trabaho.

Bukod sa mga actual referrals, may mga nakatakda ring bumalik na mga aplikante ngayong araw dala ang kanilang mga applications para mai-endorso rin sa tamang employer.


Nagpasalamat naman si Kabisig Peoples’ Chairman Danny Guillen sa pakikilahok at pagtulong ng DZXL 558 para makamit ang magandang resulta ng nasabing aktibidad.

Umaasa naman si Guillen na ay marami ang mae-engganyo na makilahok sa taunang proyekto na ito ng Kabisig People’s Movement.

Facebook Comments