Radyo Trabaho team at QC PESO, pinagtibay ang partnership upang makapagbigay ng trabaho sa publiko

Nagpulong ang RMN DZXL 558 Radyo Trabaho at Quezon City Public Employment Service Office (PESO) upang pag-usapan ang estado ng trabaho sa lunsod.

Kabilang na rito ang kasalukuyang programa ng QC PESO at mga plano sa mga susunod na araw.

Sa katunayan, noong nakaraang araw ay mayroong 2-day job fair ang inilaan nila sa mga alumni ng Quezon City University at ang isa naman ay bukas para sa lahat.


Lumawak pa ang binigay na serbisyo ng QC PESO hanggang sa pagtulong sa mga pinauwing OFW dahil sa pandemya at mayroon ding urban farming para sa kabuhayan ng taga-lungsod.

Ayon kay ginoong Buddy Oberas ang station manager ng RMN DZXL 558, handa ang ating himpilan upang suportahan ang adbokasiya na matulungan ang mga naghahanap ng trabaho.

Ikinatuwa rin ng QC PESO ang pagbisita ng DZXL Radyo Trabaho na lalong lalong nagpatibay ng kanilang partnership.

Facebook Comments