Bibisita ngayong araw ang Radyo Trabaho team ng DZXL 558 – RMN Manila sa Civil Service Commission (CSC).
Sa pangunguna nina Ms. Erika Sanchez – Canoy, Vice President for Content and Marketing at OIC Buddy Oberas, personal na makikipagpulong ang RT team kay CSC Chairperson Alicia Dela Rosa – Bala.
Dito ay tatalakayin ng dalawang panig ang ilang mga plano at panukala ng Radyo Trabaho team kung papaano magtutulungan sa pagpapakalat ng mahahalagang impormasyon kaugnay sa paggawa sa panig pamahalaan.
Inaasahan na gaya sa naging pagpupulong ng RT team sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) noong nakaraang linggo ay isang panibagong kasunduan na naman ang mabubuo na magbubunga ng patuloy na pagbaba ng bilang ng mga walang trabaho sa bansa.