Magsasagawa ng feeding program ang RMN DZXL 558 Radyo Trabaho team bilang bahagi ng selebrasyon sa ika-10 taong anibersaryo ng RMN Foundation at bilang pasasalamat sa ika-70 anibersaryo ng Radio Mindanao Networks (RMN).
Ito ay may temang “Ma. Corrina Canoy Feeding Program, Isang Dekadang Serbisyong Publiko ng RMN Foundation”.
Ito ay gaganapin sa September 10, 2022 sa covered court ng Barangay Rizal, Makati City sa pangunguna ni Punong Barangay Bryan Beran.
Ayon kay Lou Panganiban, head ng Radyo Trabaho team ay mahigit 500 mga benepisyaryo na pawang mga mahihirap na mga kabataan at residente ang makikinabang sa gagawing feeding program.
Aniya, layon ng feeding program na makatulong sa pamahalaan na matiyak na walang magugutom na mga Pilipino at bigyang kahalagahan ang pagtutulungan sa isa’t isa lalo pa’t papalapit na naman ang ka-Paskuhan.
Ang Ma. Corrina Canoy Feeding Program ay sinimulang gawin noong September 5 at magtatapos sa September 10 sa lahat ng RMN at iFM stations nationwide.
Katuwang naman natin sa proyektong ito ang Villar Sipag, Maynilad, Del Monte, ACS Manufacturing Corporation maker of Shield Bath Soap at Unique Toothpaste.