Radyo Trabaho team ng DZXL 558 RMN Manila, bibisitahin ang PESO Lipa City, Batangas ngayong araw

10

Sa kauna-unahang pagkakataon, lalabas na ng Metro Manila ang Radyo Trabaho team ng DZXL 558 RMN Manila.

Sa pagkakataon ito, bibisitahin ngayong araw ng RT team ang Public Employment Service (PESO) Lipa City, Batangas.

Haharap ang team kay Lipa City Peso Manager John Toledo para ilatag ang mga nakapaloob sa programa ng Radyo Trabaho.

Kabilang dito ang programang Centro Serbisyo, Meet The Boss at Usapang Trabaho, gayundin ang segment na job openings.

Samantala, sa mga gusto din na magkaroon ng trabaho, tumutok lang sa DZXL Radyo Trabaho o magpunta sa 4th floor Guadalupe Commercial Complex, Guadalupe Nuevo, Makati City.

Maari ring i-send ang kopya ng inyong resume o biodata sa radyotrabaho@gmail.com at tumawag sa aming RT hotline 882-2370 o magpadala ng inyong mensahe sa RT textline 0967-372-9017.

Sa Radyo Trabaho, trabaho lang walang personalan!

Facebook Comments