Radyoman Community Pantry ng DXPR RMN Pagadian, pormal nang binuksan kanina

Pormal nang binuksan kanina ng DXPR Rmn Pagadian ang Radyoman Community Pantry na matatagpuan sa harapan ng kanilang himpilan sa Pagadian City.

Sa interview ng RMN Manila kay DXPR Radyomanager Mel Coronel, noong nakaraang linggo pa dapat nila bubuksan ang community pantry na layong makatulong sa mga Pagadianon kahit sa maliit na paraan.

Kasunod nito, dagsa na agad ang mga tulong mula sa listeners upang magbahagi ng kanilang blessings habang ang unang nag-ambagan mula pa kahapon ay ang mga empleyado mismo ng DXPR.


Samantala, kahapon ay naglunsad na rin ng community pantry ang DYHB RMN Bacolod habang nakatakda ring magbukas sa Sabado, Abril 24 ang DYRI RMN Iloilo.

Facebook Comments