Radyoman Ely Saludar, pinarangalan bilang Most Supportive Radio Anchor sa 2019 Balikat ng Bayan awards ng SSS

39

Pinarangalan ng Social Security System (SSS) ang ating ka-Radyoman na si Eleazar “Ely” Saludar bilang isa sa Best Media Partners para sa pagtataguyod ng adhikain ng ahensya.

Kasabay ng pagdiriwang ng ika-62 anibersaryo ng Social Security System, idinaos ngayon ang 2019 Balikat ng Bayan awardees sa Ramon Magsaysay Hall, SSS Building sa East Avenue, Diliman Quezon City.


Kinilala si Radyoman Ely bilang Most Supportive Radio Anchor dahil sa pagtulong ng programang Centro Serbisyo ng DZXL-RMN Manila na masolusyunan ang may mga problema ng ating mga kababayan patungkol sa SSS.

Nagpasalamat naman si Radyoman Ely sa ibinigay na parangal ng SSS at binigyan diin na layunin talaga ng kanyang programa na makatulong sa bayan bilang serbisyo publiko.

Kabilang din sa mga pinarangalan na media partners ay ang print at television.

Facebook Comments

From Advertisers