Iniurong ng Commission on Elections (Comelec) sa Disyembre 14 ang raffle ng ballot placement ng party-list groups sa 2022 election.
Ayon sa Comelec, inilipat ang electronic raffle na gaganapin sana ngayong araw, Disyembre 10 dahil sa potensyal na mga apela sa Supreme Court (SC).
Tinutukoy ng poll body ang 107 party-list groups na ibinasura ang rehistrasyon na nangangahulugang diskwalipikado na sila na lumahok sa raffle at sa Halalan 2022.
Sakaling aprubahan ng SC ang plea for status quo ante order sa tamang oras, maaaring lumahok ang ilang party-list sa raffle sa Disyembre 14.
Facebook Comments