Natapos na ng Commission on Elections (Comelec) ang raffle ng party-list group na ilalagay sa balota para sa 2025 national and local elections.
Pinangunahan ni Comelec Chairman George Erwin Garcia ang pag-raffle kasama ang mga commissioner na si Rey Dulay, Nelson Celis, Ernesto Maceda Jr., Aimee Ferolino, at Socorro Inting.
Bago ang raffle, ipinaliwanag muna ng IT Department ang proseso ng digital raffle para maunawaan ng mga representative ng bawat party-list.
Nasa 124 mula sa 156 party-list groups ang dumalo sa naturang raffle kung saan present din ang mga tauhan ng PPCRV.
Narito ang resulta ng electronic raffle:
1. 4Ps Party-list
2. PPP o Pwersa ng Pilipinong Pandagat
3. FPJ Panday Bayanihan
4. Kabataan Party-list
5. Duterte youth
6. MI – Mamamayang Liberal
7. PBBM – Pilipinas Babangong Muli
8. P3PWD
9. Murang Kuryente; at
10. Bicol Saro
Matapos ang raffle, ipinakita rin sa mga party-list group ang proseso ng mga gagamiting automated counting machine sa midterm elections.