Isasagawa sa pamamagitan ng virtual raffle ang pagtatakda sa pwesto ng party-list groups sa official ballot para sa halalan 2022 na gaganapin sa Disyembre 10, 2021.
Ayon sa Commission on Elections (COMELEC), layon nitong simulan na ang paggamit ng online platforms bunsod ng nagpapatuloy na COVID-19 pandemic.
Sa inilabas na COMELEC resolution, limitado lamang sa isa kada party-list group, organization o coalition, citizens’ arms, at media organizations ang papayagang makapanood ng online raffle.
Kinakailangan ding maisumite na bago o sa mismong Disyembre 7 ang pangalan, tatlong specimen signatures at email address ng witness ng isang grupo.
Habang hanggang dalawang commissioner at kinatawan ng COMELEC departments and offices ang dadalo sa mismong araw ng raffle.
Samantala, sa oras na maitakda na ang pwesto sa balota ng mga party-list ay wala nang magiging re-raffle.